Mga Pangarap na Nauwi sa Wala.

Dame niyong pinangarap sa isa’t-isa. Nangako siya na ikaw ang papakasalan. Kailan niya sinabi yun? Nung araw na masaya siya, nung araw na masaya kayong dalawa. Pero nakakainis naman talaga diba? Tipong nakakatuwa at dumating sa punto na nag plano kayong dalawa sa pagpapakasal. Tipong sa murang edad eh napag iisipan niyo na yun. Yung mapapaisip ka na ang saya nga sana kung matutuloy, kaso ang tagal pa, sobrang tagal pa mangyayari dahil marami pa kayo dapat gampanan. 

Pati pangalan ng anak niyo naisip niyo na, minsan nga trying hard pa kayong dalawa mag-isip ng pangalan na maganda kapag nag combine ang pangalan niyo eh. Tapos kung sino ang mag tatrabaho, kung sino ang maiiwan sa bahay palagi, at kung gaano kaganda ang bahay. Marami bang binatana? Magagandang pintuan? At magagarbong ilaw at bubuo kayo ng isang magandang pamilya.

Sobrang dami nga namang napag-uusapan kapag masaya kayong dalawa. Pero di nga naman lagi eh masaya ang relasyon. Kapag nalungkot ang isa dahil sa pakiramdam na nagsasawa na siya or pinagsawaan na siya. Para bang nakaka gago na yung mga pangarap niyo eh nawala na lang ng ganun ganun na lang. Paano ba naman kasi wala kang magagawa kung ganun ang nangyari. Tipong kapag naghiwalay kayo maiiyak ka nalang kapag binabanggit mo yung mga bagay na pinangarap niyo dati.

Tapos matatapos ang relasyon na parang walang nangyari, matatapos ang relasyon na parang walang salitang binitawan. Naglaho lahat na parang bula. Biglang gusto mong mauntog ng malakas para mag ka amnesia at makalimutan siya ng tuluyan. 

Pero di mo magawa… Mahal mo eh.

Notes

  1. jielilit reblogged this from matabangutak
  2. rii-shel reblogged this from matabangutak
  3. fvckinuseless reblogged this from matabangutak
  4. aweeesharm reblogged this from matabangutak
  5. pussycath reblogged this from ohdessaohna
  6. ohdessaohna reblogged this from matabangutak
  7. jeysiji reblogged this from matabangutak and added:
    Dame niyong pinangarap sa isa’t-isa. Nangako siya na ikaw ang papakasalan. Kailan niya sinabi yun? Nung araw na masaya...
  8. medyopumapag-ibig reblogged this from matabangutak
  9. the-sweetest-princess reblogged this from matabangutak
  10. supermayen reblogged this from matabangutak
  11. doktorsapagiisip reblogged this from matabangutak
  12. mr-dreamboy reblogged this from matabangutak
  13. maykatuturan reblogged this from matabangutak
  14. steffinitely reblogged this from kzeerap
  15. kzeerap reblogged this from matabangutak and added:
    Sampal ng langit at lupa.
  16. baboysiya reblogged this from matabangutak
  17. livinginadream30 reblogged this from matabangutak
  18. camillefong reblogged this from matabangutak and added:
    Ano ba naman tong mga nababasa ko -_________- Thank you ha. :(
  19. futuristicpowtato reblogged this from matabangutak
  20. sadyangmagandaa reblogged this from matabangutak
  21. oneplusoneequalsus reblogged this from matabangutak

← Previous Post Next Post →

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack