Kapag nagbalikan kayo ano nga ba mga posibleng mangyari?
Pros
- Maaring maitama na ang pagkakamali na nagawa niya dati.
- Maaring mas lumambing siya dahil giliw na giliw siya sayo.
- Maaring mas tumindi ang pagmamahalan niyong dalawa.
- Maaring mas tumindi ang inyong pagsasama dahil nalaman niyo na hindi niyo na pala kayang mamuhay mag-isa na wala siya.
- Maaring lalabanan niyo na lahat ng problemang darating sa buhay niyo. Sapat na yung minsan na nagkamali kayo at mangangako na hindi na mauulit ang mga bagay na ayaw niyo ng mangyari.
Cons
- Kung pinilit mo siya makipagbalikan at nakipagbalikan ito, siguro hindi na siya sing lambing tulad ng dati, maari kasing napilitan na lang o kaya naman sinasakal mo pa rin kahit hindi na kayo.
- Maaring maulit muli ang mga nangyari, dahil nga sa nangyari na, paano magiging hindi posible ulit mangyari hindi ba?
- Maaring label na lang ang mangyari sa inyong dalawa. Yung kayo, oo as in kayo. Pero may nararamdaman pa ba?
- Maaring nanghihinayang yung isa dahil matagal na kayo, natatakot sa mga nakapalibot na kaibigan ninyo, nanghihinayang sa tagal ng relasyon at hindi sa nararamdaman sa relasyon.
- Maaring pinagbigyan ka na lang, para matapos na ang lahat ng kadramahan, matapos na ang lahat ng iyong pagluluksa. Sa sobrang awa na lang niya sayo kaya siya nakipagbalikan.



