Kelan mo masasabi kung huli na ang lahat?

Mahal mo na siya, may mahal na siyang iba -Ito ang madalas mangyari, parang mapagtuksong tadhana no? Tipong ok na nga eh, nakapagdesisyon ka na mamahalin mo na siya ulit tapos biglang may iba na agad? Para bang hindi mo alam kung ano ang nararapat mong gawin. Kapag sobrang aga mo nagsabi sasabihin parang ang bilis, at kapag naman matagal kang nagpaparamdam sasabihin eh ang kupad kasi ng galawan mo.

Sumuko ka na - sumuko ka na, sinabi mo na ang masasakit na salita, sinumbat mo na ang lahat, lahat ng hinanakit sa buhay mo, lahat ng hinanakit sa pagtitiis na ginawa mo. Wala na, sumuko ka na , sobrang huli na ng lahat, di mo na pwedeng bawiin. Malas mo pa minsan, sa oras na sumuko ka na eh yun na pala yung oras na magiging ok na ang lahat.

Natagalan kang mag move on - parati mong hinahanap yung taong nawala sayo, tapos parinig ka ng parinig na gusto mo pa siya bumalik, ayun tuloy yung mga taong may gusto sayo patuloy nawawalan ng pag-asa, dahil alam nilang wala silang pag-asa at gusto mo pa rin makabalikan yung taong nang-iwan sayo. Ano na lang iisipin nila? Wala na silang maiisip, dahil ikaw lang ang iniisip nila. Wala na, huli na ang lahat, naghanap na siguro ng iba.

Nahuli ka na niya - kitang kita ka na, aangal ka pa? Ayan kasi di ka makuntento sa isa, patuloy kang nang hahaliparot eh taken ka na. Alam mo ba na ok lang manlandi pero sa taong single lang? Nakakahiya naman manlandi na meron ka na diba? Hindi bat nakakailang yun sa taong lalandiin mo? Hindi lahat ng taong nilalandi mo ay nilalandi ka rin, minsan approachable lang sila sayo dahil alam nilang hindi mo lolokohin ang kinakasama mo, alam nilang walang patutunguhan ang pinag tritripan niyo. May kasabihan nga na hindi daw manlalamig sa taong mahal mo kung wala siyang nilalandi na iba. 

Notes

  1. ohmyangellegionlove reblogged this from matabangutak
  2. paulinieee reblogged this from matabangutak
  3. medyopumapag-ibig reblogged this from matabangutak
  4. ohhshetriestoblog reblogged this from sweetheartlaforteza
  5. justalittlelessneedy reblogged this from matabangutak
  6. definitelynotfake reblogged this from matabangutak
  7. thoughtsofawimpygirl reblogged this from matabangutak
  8. charryboi reblogged this from matabangutak
  9. sadyangmagandaa reblogged this from matabangutak
  10. stelamari reblogged this from matabangutak
  11. fingermezayn reblogged this from matabangutak
  12. jycvlrcrtgrr reblogged this from alyssaluz
  13. sweetheartlaforteza reblogged this from matabangutak
  14. missymunch reblogged this from fayephone
  15. lerlanadanebridv reblogged this from matabangutak
  16. expectationvsreality08 reblogged this from matabangutak
  17. ms-young-wild-and-free reblogged this from matabangutak
  18. beyondforeverandinfinity reblogged this from matabangutak
  19. erlynaughty reblogged this from matabangutak
  20. fallinganjel reblogged this from matabangutak
  21. enigmaticmask reblogged this from matabangutak

← Previous Post Next Post →

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack