Happy Teacher’s Day sa ating pangalawang Ama at Ina!

Dear Teachers mabait man o terror,

Sobrang raming salamat po sa inyo. Kayo ang nabubuhay na bayani ng ating bansa. Kayo ang walang sawang nagtuturo samin ng mga dapat gawin, ang mga taong nagbibigay talino sa amin. Maraming salamat po sa lahat dahil kung wala kayo eh hindi namin alam kung saan kami pupulutin. Maraming salamat po sa mga considerations at pag intindi minsan kapag may mga hindi po kami naipasa. 

Sa mga extra na 5 minutes na binibigay niyo para  makapag review kami bago mag quiz.

Sa mga next meeting na pwede pa ipasa ang mga projects at assignments kahit may minus na.

Sa mga oras na kayo ang nasasabihan namin ng problema.

Sa mga pagsagot sa mga matitinding katanungan na kami ay naguguluhan.

Na kahit maingay kami sa klase, kapag nagalit kayo sa huli ay pinapatawad niyo ulit kami.

Lalo na sa mga Teacher na may asawa at anak. Natutuwa po kami at sobrang laki ng utang na loob namin dahil bukod sa anak kayo eh napili niyo pa rin kaming alagaan. Pati na rin pala sa mga single na professor. Hindi niyo na nahanap ang love life dahil nakita niyo na ang lovelife sa aming mga estudyante. Kami ang minahal niyo, kaya ngayong araw at sa mga susunod pa!  PARA SA ATING MGA GURO!!! HAPPY TEACHERS DAY PO!!! 

Sa mga tawanan, sa kulitan at sa lahat lahat na po!

At kung babagsak po kami kung sakali sa subjects po. TRES na lang po! MALAGPASAN LANG PO! Hahahaha! BIro lang po mga teachers!! 

Mahal po namin kayo! Kayo ang sobrang nirerespeto kong tao at propesyon. Kung wala kayo, wala ang mga doctor, wala ang mga engineers, marketing at lahat lahat na!! Kayo ang mga taong masaya na basta ang mga estudyanteng tinuruan niyo ay may narating na. Maraming salamat po talaga.

HAPPY TEACHERS DAY PO ULIT!

Nagmamahal, 

matabangutak at lahat ng estudyante!

Source: matabangutak

Notes

  1. imvansraga reblogged this from matabangutak
  2. aeternum-acerbumdulce reblogged this from thenerdpride
  3. theroomhushhushanditsallaboutus reblogged this from matabangutak and added:
    Salamat po :)
  4. thenerdpride reblogged this from matabangutak
  5. anneismynickname reblogged this from matabangutak
  6. doonks reblogged this from matabangutak
  7. thewhimsicalvin reblogged this from matabangutak and added:
    HAPPY TEACHER’S DAY TO ALL THE TEACHERS OUT THERE!
  8. urldyan reblogged this from matabangutak and added:
    KATOUCH NAMAN TO. HAPPY TEACHERS DAY PO SA LAHAT NG GURO :)
  9. undefinablepinay reblogged this from arleneliit
  10. korningbata reblogged this from matabangutak and added:
    HAPPY TEACHER’S DAY ! :))))))
  11. arleneliit reblogged this from matabangutak
  12. doyouseedat reblogged this from matabangutak
  13. itsamabel reblogged this from miss-cheapskate
  14. miss-cheapskate reblogged this from matabangutak
  15. my-fashionblog reblogged this from matabangutak

← Previous Post Next Post →

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack