Masarap makiramdam sa mga taong nakapaligid sayo. Lalo na kapag single ka? Yung tipong ang sarap mag assume na “eto na ba ang destiny ko?” Eto na kaya yung matagal ko ng hinihintay sa buhay ko?” Siya na nga kaya? Kapag pinalagpas ko ba eh may darating pang iba?
Yung mga ganung ideya ba na nakakapagpakilig sayo ng walang dahilan. Syempre hanggang assume lang naman eh, alam mo yun? Yung assume na hindi ka masasaktan kasi binibigyan mo lang ang sarili mo ng sariling ideya kung paano mahahanap yung taong mamahalin mo sa hinaharap.
Tipong iisipin mo na kausapin ko pa ba lagi? Para maging malalim ang pag-uusap at pagsasama namin? O gawing pormal lang ang lahat? Magulo eh. Ganyan talaga. Ayan ang masarap na thrill nang naghahanap.
Source: matabangutak



