Now Playing Tracks

Siguro nga kaya ako single pa rin ngayon eh nasa sarili ko na ang problema.. Tipong wala akong oras sa mga taong nagbibigay ng pagmamahal sa akin. Hindi ko alam, sobrang busy ko kasing tao kung tutuusin, di ko nga alam, naiiyak ako minsan sa dami ng nakapatong na responsibilidad sa akin. Wala pa rin atang babaeng nakakaintindi sa kalagayan ko, nalulungkot ako, natatakot akong tumanda akong binata, pero at the same time di ko rin naman talaga minamadali ang sarili kong magkaroon ng girlfriend.

Nalulungkot ako na sa kalagayan ko eh mawala at mapagod yung taong nagmamahal sa akin, dahil sa wala akong oras sa kanila, humanap sila ng oras sa iba, kumuha sila ng atensyon sa iba. Hindi ko siya mapipigilan, dahil kasalanan ko naman talaga yun in the first place.

Pero nakakatakot talaga, naiinis ako sa kalagayan ko.. May mga babae na natatakot sakin makipag usap, kasi “ako” daw “ako”. Di ko ma gets yun.. Marami daw ako kaibigan.. Marami daw ako kakilala, ewan ko, ang gulo basta. Di ko na alam gagawin ko.

Kaya minsan takot na lang ako pumasok sa relasyon.. Kasi yung pakiramdam na nasanay na akong single.. Naging masaya na kong single, Nabuhay na kong single, kumbaga naka survive na.. Dumating sa point na hindi na naghahanap.. Naghihintay na lang…

139 notes

  1. troublesomefeelings reblogged this from matabangutak
  2. thefirstrainofmay reblogged this from matabangutak
  3. kulayitim reblogged this from matabangutak
  4. pammieomana said: tandaan mo na hindi ka nag iisa. mas may grabe pa ang hinaharap nila kesa sayo. at siguro nakikita ka kasi nila as tumblr famous, kaya mejo ganun ang perception nila sayo. but i hope makita mo na si God’s Best mo.. i will pray for you.. good morning!
  5. aybhiepotstorres reblogged this from matabangutak
  6. makatangnatotorpe reblogged this from matabangutak
  7. glendale-aldor said: you know what’s freaky? you succinctly put into words my own sentiments =( malamang marami tayong ganyan… hay. Ewan ko ba :p
  8. raeychii said: waah! nakakarelate ako! :)
  9. laginalangsecondchoice reblogged this from matabangutak
  10. reallyrayvenreally reblogged this from matabangutak
To Tumblr, Love Pixel Union