Now Playing Tracks

Nasaan na nga kaya yung mga magagandang sitcoms dati? Dati nga araw-araw pa yung mga sitcoms, yung iba ang sitcoms sa lunes, tapos iba ang aabangan mo sa martes, miyerkules at sa mga iba pang araw. Nakakainis na na taken for granted din yung mga ganitong palabas dati, hindi natin lubos akalain na mawawala pala to sa telebisyon. TODAMAX na lang ata ang Sitcom ngayon na nakikita kong medyo ok pa at masaya. Sayang din yung Daddy Di Do Du dati sa channel 7 pati yung Beh Bote NGA.

Masasabing napakaganda pa ng industriya ng pelikula dati, ngayon kasi puro romance na lang, onti na lang ang comedy. Tapos nagkalat na rin ang mga fantaserye na nakakainis naman ang mga effects. Alam mo yun.. Bakit ka magiging trying hard magpaka scifi, kung natural na talento lang ng mga komedyante sa ating bansa eh ok na. Ibang iba talaga ngayon eh, sobrang laki ng iniba ng mga palabas sa telebisyon. Tipong mag uumpisa ka manuod ng alas otso na puro drama ang pinapanuod mo. Hindi ba’t akaka depressed manuod nun? Ayun eh kung mahilig ka sa primetime bida. Mas gusto ko pa dati, yung wala pang primetime bida. Yung laging nakikita si Aga Mulach at Dolphy sa Telebisyon. Nakakamiss din si Babalu at si Redford White. Nakakamiss tandem nila. Yung mga komedyante dati. Napaka nostalgic. Napakasarap mag reminisce.

209 notes

  1. koreyanaa reblogged this from matabangutak
  2. shegotthatthing reblogged this from tatlodos
  3. foreverpraning reblogged this from matabangutak
  4. breadcarms reblogged this from benedict-not-cumberbatch
To Tumblr, Love Pixel Union