Now Playing Tracks

Pelikula dati at Ngayon.

Kapag nanunuod ako ng mga lumang palabas, masasabi ko na magaganda lahat ito. Katulad sa Cinema One, nag umpisa ulit sila maglabas ng mga lumang palabas na magaganda. Ewan ko kung anong kwento nito, basta tungkol sa mga prostitusyon sa bansa ito eh. Mga bagay na pinalabas dati na pinoproblema pa rin hanggang ngayon. Prostitusyon, Batas ng ka Pulisan, at kung gaano kadumi ang buhay sa Maynila.

Nakakatuwa manuod ng mga palabas dati, tipong may aral kang matututunan talaga, may mga ma rerealize ka sa bansa natin, mag kaka idea ka gaano kabaluktot ang sistema ng batas sa atin. Hindi katulad ngayon, puro tungkol sa pag-ibig na lang ang palabas, puro Koreanovela, o kung ano pa mang nobela na galing sa ibang bansa. 

Basta nakakatuwa lang, nakakatuwa mag reminisce ng mga palabas dati. Andun pa yung art. Eh business din kasi eh, syempre target market ng mga pelikula ngayon kung ano ang gusto ng mga tao. Kung ano ang huhuli sa mga kiliti ng mga manunuod. Pero nasan na yung art diba? Nasan na yung passion nila sa paggawa ng magagandang pelikula?  Bakit hindi nila gawin yung paraan na alam nila? Manunuod at manunuod naman ang mga tao hangga’t may naipapalabas eh.

Ngayon, mga indie films na lang ang magaganda, dahil sa tunay na tunay ang script, hango sa realidad ng buhay, mga pelikulang maliit man ang “Budget”. Pero grabe naman ang mga gustong ipahiwatig. Sana bumalik na ito sa industriya ng pelikula sa Pilipinas. Magagaling naman ang lahat ng Direktor natin eh.

(Source: matabangutak)

81 notes

  1. jeyeleychey reblogged this from matabangutak
  2. noonewillevergethurtagain reblogged this from matabangutak
  3. aling-basyang reblogged this from matabangutak
  4. telephonehair reblogged this from matabangutak
  5. maibeloved reblogged this from matabangutak
  6. lovegoviral reblogged this from matabangutak
  7. laserguidedcarebearmissile reblogged this from matabangutak and added:
    Mainstream Philippine cinema sucks.
  8. isadalawatatlo said: haha, cool, binabasa ko to habang nasa katabing desk ko lang yung cinema one area/office
To Tumblr, Love Pixel Union