I’m busy right now for a relationship, but I really care for you.
Ano ang ibig sabihin nito?
Isa siguro itong pag respeto sa taong minamahal, hindi naman sa hindi ka niya kayang mahalin, kundi takot lang itong mawalan ng oras sayo, siya yung taong ayaw magpadalos dalos, marami kasing ibig sabihin yan, pero dito tayo sa positibo, para hindi ka mawalan ng pag-asa pag dating sa pagmamahal.
Nagiging dahilan ito ng isang tao dahil ayaw niya pabigla bigla ng desisyon, siya yung taong kahit kaya niyang pagsabayin yung dalawang bagay, pag dating sa pagmamahal sinasantabi niya muna ang ugali niyang iyon.
Malay mo busy talaga siya ngayon? Edi wala na siyang oras sayo diba?
Paano kung mapatunayan niya pagdating ng panahon kung sakaling makapag hihintay ka na mahalin talaga siya, hindi bat nakakatuwa yung ginawa niyang respeto sayo? Hindi niya pinagsabay yung mga bagay na sasagabal sa relasyon niyo. Gusto niya sigurong masolo ka, sayo ang atensyon niya.
Tatak garantisado.



