Now Playing Tracks

Pilipinas “lang”.

Hindi ba’t nakakalungkot kapag sa mga bagay na nakikita natin sa paligid natin ay sinasabihan na Pilipinas “lang”. In terms of technology or amenities sa isang mall or hotel na maaring maikumpara mo ito lalo na kapag nakaranas ka ng makabyahe sa labas ng bansa.

Maikukumpara mo ang Pilipinas na sobrang out of date talaga kung tutuusin. Pero nakakatuwa din na kahit papano eh nakikipag kumpetensya na tayo sa ibang bansa. Kung mapapansin mo ang tren ng ibang bansa eh talagang state of the art naman talaga. Lalo na yung mga station nila dun, like Japan or Singapore. Talagang napakatindi ng istasyon nila at talagang ginastusan.

Nadaan kasi sa pondo ng Gobyerno nila dun kaya magaganda ang imprastraktura nila dun. Pero wala naman silang magagandang tanawin tulad ng sa Pilipinas. Isipin mo na lang kung katulad ng ibang bansa yung mga nag gagandahang hotels at buildings natin dito tapos samahan pa ng magagandang tanawin eh masasabi ko talagang ito na ang pinakamaganda.

Lahat naman kasi magagawa talaga kapag may pera diba? Kung nagamit lang sana ng husto. Hindi mo rin naman kasi masisisi ang gobyerno natin ngayon dahil sa mga past governments eh nangyari na ang katiwalian.

Parang nakakainip isipin kung kailan talaga masasabing asenso ang Pilipinas. Yung malilinis ng husto ang maynila ng magagandang bahay at mababawasan ang mga squatters sa atin. Kailan kaya maiisip ng ating mga kaibigan na kailangan din nilang magsikap at hindi gobyerno ang palaging tutulong sa kanila. Akala siguro nila, may presidenteng tutulong magpayaman sa kanila. 

Paano ka nga naman magkakapera kung inom ka lang ng inom at hindi ka nag tatrabaho? Paano nga naman makakaipon kung may bitbit kang tatlong anak tapos buntis ka pa? Sayang ang kinabukasan ng bata, isang potensyal maging kriminal ulit sa maynila kapag napabayaan na lang basta.

Pilipinas “lang”. Isang masakit na salita na sana eh mawala na sa ating bansa. Dapat handa tayo sa mga kritisismo ng ibang bansa para maging ok eh. Hirap kasi sating mga Pilipino, nasanay na tayo sa buhay na ok lang. Kung ano ang mga bagay na nakikita natin ngayon, pinag titiisan na lang. Kaya naman ng Pilipinas eh, mababait kasi ang tao sa atin. Kaya naman mag-kaisa eh. Ewan ko ba talaga ano talaga ang problema. 

Dati kasi lagnat lang ang sakit ng Pilipinas eh, ngayon eh Cancer na. Samut-saring isyu sa nakawan sa gobyerno, patayan dito, patayan doon at marami pang iba. Kapwa pinoy nagkakasiraan imbis na magtulungan.

Sana mabago na, ang sarap siguro tumira sa bansang hindi ka na takot maglabas ng cellphone kapag naglalakad ka. Ang sarap siguro kapag dumating yung araw na ang mga dayuhan naman ang maghahanap ng trabaho sa atin, yung magiging excited din sila umalis at bumyahe kasi pupunta sila sa bansang Pilipinas.

Napakasarap nga naman talagang mangarap para sa Inang Bayan.

(Source: matabangutak)

93 notes

  1. himeko-inaban reblogged this from bayan-ni-juan
  2. autumnsoliloquy reblogged this from bayan-ni-juan
  3. bayan-ni-juan reblogged this from matabangutak
  4. ilovematabangutak reblogged this from matabangutak
  5. elainmallari reblogged this from matabangutak
  6. eriesantos reblogged this from matabangutak
  7. intotheworldofkpop reblogged this from matabangutak
  8. dazzlingopal reblogged this from matabangutak
  9. lazytunato reblogged this from matabangutak
  10. sinosidebb said: Marahil din ay kahit anong pagpupursige ng mga taong umahon, may iba rin na patuloy na naghahanap ng mali sa ginagawa ng iba. Kaya minsan tayo rin yung may problema.
  11. ekasitangaako said: Sana nga kuya rhads dumating yung araw na umasenso pa ang bansang pilipinas para wala ng pamilya pa ang kailangan magmigrate pa sa ibang bansa para lang magkaroon ng magandang buhay. :)
To Tumblr, Love Pixel Union