Now Playing Tracks

Sitcoms sa Telebisyon.

Nakakamiss yung mga sitcoms sa ibat-ibang TV network. Dati araw-araw pa yun eh. Ngayon halatang pilit na lang yung mga palabas nila. Tapos ang masagwa pa doon eh hindi buo ang istorya at minsan idadaan pa sa TEXT PROMO kung ano ang gusto mong ending. Kung mamamatay ba yung bida o hindi? Kung mawawala ba yung diary o hindi? Kung madudulas ba o kung ano pa mang kalokohan na sumisira sa ganda ng mga palabas dati sa telebisyon.

Nakakamiss yung mga palabas na sobrang casual lang. Yung mga Home Along Da Riles dati, Bida si Mister, Bida si Misis, Da de di do du, Beh Bote Nga at marami pang iba. Nawala na yung mga ganitong palabas eh. Yung mga palabas na sobrang simple lang at walang effort kang napapatawa. Yung mga nauusong buhusan ng tubig, hampasan ng diyaryo. Nawala na lahat ito. Nakakalungkot at hindi man lang naabutan ng mga nag uusbungan na mga batang nasa henerasyon ngayon. Hindi nila nakita gaano kaganda at pinag-iisipan ang mga teleserye at palabas sa telebisyon dati.

(Source: matabangutak)

75 notes

  1. rizacarmeloves reblogged this from matabangutak
  2. endofcapacity said: Natutuwa ako sa toda max :))
  3. salungat said: Sa ABS medyo ok pa.. <
  4. normean said: True that. O, baka naman dahil sa tumanda lang tayo kaya ganito naiisip natin.
  5. globalrisk said: Da de di do du! Kahit simple lang. Nakakatawa parin sina bosing vic sa sitcom nilang yon! hahah. :)
To Tumblr, Love Pixel Union