Dear Unknown Girlfriend,

Wala akong ideya kung sino ka, wala akong ideya kung nasaan ka. Wala talaga akong ideya kailan ka dadating. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na hindi mo ko malalampasan. Bukas ang aking mata at puso sa pagdating mo. Gusto na kitang kwentuhan ng mga nangyari sakin araw araw. Gusto ko na ng babaeng magmamahal sakin, babaeng masasabihan ko na ” Pagod po ako sa lakad ko, pagod po ako galing school, kakatapos ko lang po mag jogging.” Namimiss ko na rin magsabi ng kumain ka na, tapos magagalit ako kapag ayaw mong kumain. Yung kapag nagalit ako mag sosorry ka sakin at sasabihin mo sakin na sorry na at kakain ka na.

Wag mo na ko hayaang mag-isa dito. Huwag mo na ko hayaang masaktan sa kakasubok na baka mahalin nila ako sa oras na magparamdam ako sa kanila ng nararamdaman ko. Ui, asan ka na ba? Di mo pa rin ba ako nakikita? Palagi na nga lang ako nag papacute dito oh. Takot na kong ma reject ulit. Kaya hanggang paramdamam n lng ako. Umaasang patulan mo ako, umaasang mapansin mo.

Ui.. Asan ka na ba talaga… Andito lang ako oh.. Please? Wag mo ko papabayaan dito.. Alagaan mo na din ako.. Mahalin mo na ako.. Sayo lang ako oh.. Sayo lang… Gusto ko na ulit sumaya.. Gusto ko na ulit maramdaman na espesyal ako sa buhay ng iba.. Gusto mo din naman yun diba? Kaya ko namang ibigay yun eh.. Mag iingat ka palagi ha? :D Di pa kasi kita kilala, wala pa akong ideya kung sino ka.  Kaya sa mga salita ko na lang muna sasabihin ha? :D smile lang ako. Smile ka lang rin diyan :D

Source: matabangutak

Notes

  1. chaboooom reblogged this from matabangutak
  2. expectationvsreality08 reblogged this from matabangutak
  3. yshnaxvi reblogged this from matabangutak
  4. hubby-reyes reblogged this from matabangutak
  5. rcmayday reblogged this from matabangutak
  6. unappreciatedme reblogged this from matabangutak
  7. mariaamartin reblogged this from matabangutak
  8. i-am-angel reblogged this from matabangutak
  9. iwannagrowoldwithdanielpadilla reblogged this from matabangutak

← Previous Post Next Post →

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



Iba ang payo ko kay Papa Jack