Asan ka Kupido?
Tunay nga namang nakakabaliw ang umibig ano? Lalo na paparating na ang araw ng mga puso. Marahil marami sa atin ang na mromroblema at hindi excited sa araw na ito, pero ang iba naman eh patuloy na naghahanda para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Tandaan mong ang February 14 ay normal na araw lang rin. Ito lang ang araw na nag papa alaala na maging thankful ka sa mga taong nakapalibot sayo dahil minamahal ka nila. Parang Pasko nga ito kung tutuusin. Kaso ang nangyari lang ngayon eh tao na ang nagbibigay ng simbolo dito na ang Feb 14 daw eh para lang sa taong magkasintahan.
Nasaan na nga ba daw ang Kupido? Patuloy bang hindi tumatama? Naubos na nga kaya ang kanyang pana na korteng puso kaya hindi niya matamaan yung taong para sayo? O baka naman, kailangan din niya ng tulong mo para mahanap niya ito?
Naniniwala kasi akong bago panain ni kupido yung taong mahal mo eh tutulungan mo talaga siya, kailangan mong paghirapan ito bago siya mag desisyon na tamaan ang gusto mong makasama sa buhay mo. Hindi naman yun magic na bigla na lang may magkakagusto sayo dahil sa pinana niya lang ito.
Hindi ganun ang pag-ibig, hindi ganun kabilis makuha ito. Ang pag-ibig eh puno ng sakripisyo, puno ng pangarap, at puno ng pagsubok na kailangan mong gampanan. Yan ang tunay na simbolismo ng pag-ibig. Hindi yung nag landian lang isang araw, o kaya naman nag tawagan lang ng BABE eh akala mo sila na.
Source: matabangutak



