Pag-ibig ng mga kabataan ngayon.

Sa tingin ko malaki ang naging kontribusyon ng teknolohiya sa mga tao ngayon, lalo na sa mga kabataan na sobrang galing pag dating sa teknolohiya ngayon. Lalo na pagdating sa komunikasyon, lalo na sa mga mapaglarong isip ng mga kabataan.

Kung walang teknolohiya ngayon sigurado akong 21 years old maguumpisa magligawan ang mga batang ito, bakit? Eh syempre doon lang magkakalakas ng loob manligaw ang lalake sa babae dahil sa edad na yun eh siguradong tapos na siya at baka may trabaho na at may maipagmamalaki na siya sa magulang ng babae.

Naalala ko lang dati na ang tanging pinoproblema ng mga babaeng kabataan dati eh kung ano ang pipiliin nilang bag kung Hello Kitty ba o Barbie. Ngayon sa edad na 11 years old hanggang 14 years old eh pag-ibig na ang pinoproblema nito. 

Hindi na ko magtataka bakit biglang lumabas ang RH Bill dahil nga sa mga unwanted pregnancies na yan. Dahil nga sa maagang natutukso ang mga bata at laging nandiyan lang ang internet para makahanap ng kani kanilang pantasya eh hindi na nakakapagtaka na ganito na nga ang nangyayari sa ating henerasyon ngayon.

Totoo namang walang pinipiling oras ang pagmamahal, pero sana alam nila ang tamang edad at tamang panahon para dito, nakakalungkot kasi makita na sa murang edad eh nasasaktan na agad sila, imbis na nakikipaglaro lang sila sa kalsada eh nagsisimula na silang ma depressed dahil sa iniwan sila ng taong mahal nila.

Hindi rin natin sila masisi, kung nagabayan rin sila siguro ng magulang nila hindi rin sana sila magiging ganun, kung na disiplina ng mas higit pa sa pagdidisiplina nila ngayon sa mga anak nila eh siguro maaring maiwasan pa.

Siguro nga eh may alam na sila pag dating sa pagmamahal, dahil sa may nabasa silang love story at marunong na silang umintindi ng tagalog o english, pero iba parin kapag nasa tamang edad ka na, makaka diskarte ka ng tunay at totoo.

Huwag mamasamain ng mga kabataan na nakakabasa nito ngayon, maaring may magagalit pero isa itong tulay at kaalaman na maaring makatulong sa pag-iisip at pag dedesisyon sa buhay mo.

Muli.. Ito ay opinyon lamang at hindi dapat seryosohin, pero ito galing sa puso at isipan na nakikita ko sa bawat taong nakikilala ko.

Source: matabangutak

Notes

  1. ayentu reblogged this from matabangutak
  2. cookiesarebetter reblogged this from markylovesyou
  3. markylovesyou reblogged this from matabangutak
  4. endlessblah reblogged this from matabangutak
  5. forever-messiah reblogged this from matabangutak
  6. itsmedonskie reblogged this from matabangutak
  7. nhojenim reblogged this from matabangutak
  8. itsmemscruz reblogged this from matabangutak
  9. fluffyteddybearish reblogged this from matabangutak

← Previous Post Next Post →

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



Iba ang payo ko kay Papa Jack