Bakit daw may mga taong bumabalik kung kailan ok ka na?
Kasi akala nung taong yun eh ok ka na talaga, na matatanggap mo yung mga bagay na nangyari na nung nakaraan, minsan ikaw kasi nag aassume na may mangyayari pa kaya patuloy kang nasasaktan. Akala ng taong yun eh maayos na ang lahat dahil sa nakikita ka ng masaya.
Kung lolokohin mo ang sarili mo na kunwaring masaya ka, para saan pa diba? Madalas tayong ganito, puno ng pag aassume ang lahat ng tao. Kaya madalas nasasaktan. Mapa pag-ibig o pangako man yan.
Parte ng buhay ang pagtanggap ng mga masasakit na bagay na mangyayari sa buhay. Kung hindi ka kasi nasaktan, hindi mo malalaman na nagmahal ka ng tunay.
Source: matabangutak



