Now Playing Tracks

Bagyong Sendong

Nakipaglaro na naman ang tadhana. Akala niya ulit ang lahatng tao ay bata. Bakit sa pasko pa? Bakit ang kalamidad eh palaging natataon tuwing pasapit ang pasko? Bakit kailangan marami ang kukunin? Nakakalungkot sa CDO, at sa parte ng Mindanao, kung tutuusin may mga kalamidad at trahedya pa na hindi nabibigyan ng hustisya.

Nakakaawa sila, tulad ko naranasan ko rin mahagupit ng bagyo ng todo. Oo, tama ka. Na ondoy kami, at sobrang hirap naman talaga. Walang signal ang mga cellphones, walang kuryente, hindi madaanan ang binabahang daan, kulang sa supplies, naranasan rin magutom, nilamig at nagkasakit.

Eh swerte pa kung tutuusin, kasi nasa siyudad pa kahit papaano, pero sa mga probinsya na hindi sementado ang daan. Sobrang kawawa, naghalo halo ang trahedya, mga malalapit sa ilog, malalapit sa mga landslides prone area, mga trosong biglang yayapos sa kanilang bahay bahay. Napakatindi, nakakaawa, nakakapanlumo.

Tulad din ng mga nangyari dati, alam kong kaya ng PINOY yan. Darating ang araw na babalik ang ngiti sa kanilang mga labi. Sabi na eh, mangyayari at mangyayari talaga yan. Hindi man sa NCR, pero sa ibat-ibang parte ng bansa. Kaya dapat iniingatan ang sarili at lahat tayo ay handa.

Ako ay nakikiramay sa lahat ng Pamilyang apektado sa mga kapatid na sobrang tinamaan ng trahedya/sakuna sa Mindanao.

Maari natin silang tulungan, kesa sisihin ng sisihin ang ating Gobyerno. Wala na tayong magagawa, dahil sa nangyari na ito. Bakit hindi na lang tayo tumulong? Gamit ang mga ito.

Bank of Philippine Islands account under RIGHT START COMMUNITY DEV’T INC. - Account Number: 004021-0129-42

Banco de Oro: account under RIGHT START COMMUNITY DEV’T INC. — Account Number: 2030132221

DOLLAR ACCOUNT:
Banco de Oro under account name:
Right Start Community Dev’t Inc.
account number: 102030129115

Pwede rin kayo magtext, kesa ipang unli niyo eh sakripisyo muna tayo. Tulungan tayo mga kaibigan. Nag donate na ako, pero hindi ko na lalagyan ng presyo. Ang mahalaga, napansin mo ito. Naisipan mong tumulong.


FOR GLOBE:Text: RED <amount> and send it to 2899. You may donate in these denominations: 5, 25, 50, 100, 300, 500 and 1000.

FOR SMART:Text: RED <amount> to 4143. Valid donation amounts 10, 25, 50, 100

(Source: matabangutak)

77 notes

  1. retzabelle reblogged this from matabangutak
  2. lessonfromtheleaf reblogged this from matabangutak
  3. freehugsfromhya reblogged this from matabangutak
  4. truthinyoureyes reblogged this from matabangutak and added:
    Nakipaglaro na naman ang tadhana. Akala niya ulit ang lahatng tao ay bata. Bakit sa pasko pa? Bakit ang kalamidad eh...
  5. lezacro reblogged this from matabangutak
  6. zefiguresk8r reblogged this from matabangutak
  7. irepeat reblogged this from matabangutak
  8. trustinhisheart reblogged this from i-chelle-be-alright
  9. i-chelle-be-alright reblogged this from matabangutak
  10. bndoodle reblogged this from matabangutak
  11. emsophisticated reblogged this from matabangutak
To Tumblr, Love Pixel Union