Now Playing Tracks

TV Ads.

Ang hirap nga naman maniwala na sa mga pinalalabas sa TV, minsan hindi mo alam kung totoo ba talaga na masarap ang pagkain o napilitan lang. Lahat na lang ata eh hoax at hindi naman talaga ganun ang resulta, tulad ng mga panlaba, sabon sa katawan, pampabango ng banyo at marami pang iba.

Minsan mapapaisip ka kung ginagamit ba talaga nila ang mga nasabing produkto. Tulad ng

  • Naglalaba ba talaga si Vic Sotto gamit ang Tide?
  • Nagbababad ba talaga si Kumareng Winnie ng damit gamit ang Ariel?
  • Si Susan Roses? Gumagamit ba talaga ito ng bareta ng Champion?
  • Si Sharon cuneta na may bag na ilang milyon ang halaga, totoo kayang Lucky Me ang inaalmusal niya?
  • Tulad na lang ni Pacquiao na endorser na halos sa lahat suka, manok, gatas, motorsiklo, mcdo at marami pang iba.
  • Si Idol na Robin Padilla? Gumagamit kaya talaga ng Trust Condom yun?
  • Totoo nga kayang 7 taon na ginagamit ni Angel Locsin yung Head and Shoulders?

Napakarami pang iba, kapag wais kang mamimili, hindi ka makikinig sa mga yan. Sabi nga eh ang ginagawa lang naman nila eh impluwensya sa tao. Kumbaga idol mo sila eh, kaya bibilhin mo. Tulad na lang ng sabon ni Iya na Papaya Soap, eh likas na maganda na naman talaga yun eh.

Minsan palpak lang talaga yung endorsements eh, minsan matatawa ka na lang, minsan nakakatuwa na lang bigla yung sobrang gabi na eh biglang may commercial ng Nescafe na kumakanta na Rebecca Black ng Pilipinas na GOOOODMORNING SA INYOOOO~~.

Hay naku, masakit talaga sa ulo.

(Source: matabangutak)

86 notes

  1. tallahassee-skyline said: TAMA KA KUYA! AYSOS NA NESCAFE COMMERCIAL NA YAN!
  2. twicethinker reblogged this from matabangutak
To Tumblr, Love Pixel Union