Now Playing Tracks

Palaisipan: Perspektibo kung ano ang ibig sabihin ng isang tunay na kaibigan.

May mga tao na dahil sobrang bait nila sayo hindi mo alam kung bakit sila iniiwan ng taong mahal nila. Hindi mo alam kung ano talaga ang tunay na nangyari, kung ano ang naging dahilan ng pag-aaway nila. Bakit sila naghiwalay?

Iba kasi ang trato sayo ng isang kaibigan kung kaibigan ka lang nito, ikaw ang tatakbuhan niya sa oras na mag-away sila ng taong mahal niya. Pero mapapatanong ka na lang kung bakit niya nagawa yun. Ikaw pa mismo ang malulungkot dahil iniwan ang kaibigan mong walang ibang gusto kundi magmahal lang.

Siguro naabuso ang sobrang kabaitan, tapos namihasa, tapos may ginusto siya tapos hindi napagbigyan kaya ayun nagalit, na disappoint. Nasira ang expectations. Akala nila lagi birthday nila kaya ikaw naman tong All Souls Day. Araw araw ka ba naman patayin ng taong mahal mo, hindi bat masakit nga yun?

Magmimistulang palaisipan naman lagi kung ano ang dahilan ng dalawang taong naghihiwalay. Takot ka kasi sumawsaw sa kanila, takot tayong mangialam, para bang makikiramdam ka na lang sa kanya kung gusto niya ba iyakan ang balikat mo o hindi. Kung gusto niya ng payo galing sayo, at kung ano ano pang mga bagay na posibleng gawin mapagaan lang ang loob niya.

Ganyan ang kaibigan.. Mapagtiis, minsan sila pa yung taong laging kinakalimutan. Pero sila naman yung tao na laging nandiyan para sayo.

(Source: matabangutak)

53 notes

  1. aldriiiiin7714 reblogged this from matabangutak
  2. torpengkiddo reblogged this from matabangutak
  3. matabangutak posted this
To Tumblr, Love Pixel Union