Now Playing Tracks

Paano gumawa ng isang maikling kwento?

Kapag gagawa ka ng kwento dapat pala alam mo muna kung ano ang ugali ng mga tauhan mo sa kwento. Bawat isa lalagyan mo ng ugali at kung ilan ang mga ito. Mag iiwan ka ng puwang para kung may maisip ka ilagay na bagong papapel sa buhay ng kwento mo eh mailalagay mo ito.

Halimbawa.

Kulas - mabait, masunurin, matulungin sa kapwa, mahina pagdating sa problema.

Berto - mabait, masayahing bata, palabiro, maasahan na kaibigan.

Karlo - makasarili, masama ang ugali, wala ng magulang.

_____

_____

At dito mo sila uumpisahan buhayin. Ikaw ang Diyos ng mga isinusulat mo, ikaw ang gagawa ng mundo nila. Uumpisahan mo ito sa isang blankong papel o kaya sa harap ng iyong kompyuter.

Halimbawa..

Si Kulas ay pumunta sa tindahan para bumili ng suka at nakasalubong niya si Berto.  Sinamahan niya si Kulas sa bahay nila para dalhin ang suka at saka sila ulit lumabas. Nakita nila si Karlo na tahimik. Para bang malalim ang iniisip. Tinanong ni Kulas kung ano ang problema, at pabalang na sinagot ni Karlo na siya ay iwan at pabayaan na lang. Hindi daw niya hinihingi ang tulong o ang opinyon nilang dalawa. At si berto ang nagmamadaling tumabig ng kamay ni Kulas para lumayo na sa batang si Karlo at nagsimula ng maglaro kasama ang ibang kaibigan.

Tipong ganyan ang kunwaring kwento na gagawin mo, ikaw ang bahala. Ikaw ang mag iisip. Ikaw ang magpapaikot sa buhay nila. Napakalaya mong gagawin ang gusto mong gawin. Maari mo silang palanguyin sa daan kahit walang tubig. Maari mo silang paliparin sa himpapawid kung gugustuhin mo, kahit ano. Basta naisulat mo, maiisip ng tao yun. Masyadong malikhain ang isip ng tao na sa simpleng detalye eh naiisipan nila ito ng imahe sa mga isip nila.

Wala man akong background sa creative writing o kung ano pa man, siguro makakatulong yan kahit papano. Pag mamagandang loob lang naman itong isinulat ko at hindi pag mamarunong hindi ba? Isang opinyon na maaring malapit na sa katotohanan. Pero sino ba ang nagsabing tama ako o mali? Wala hindi ba? Dito papasok ang mga mapagkutyang kritisismo na kakailanganin mo para mas mapabuti ang gawa mo.

(Source: matabangutak)

51 notes

  1. imannjuanico reblogged this from matabangutak
  2. liftyourheartbaby reblogged this from matabangutak
  3. seventh-fonic-hymn said: salamat po dito :)
  4. patreesyah reblogged this from matabangutak
  5. whippedsoshigasmic said: Ang galing niyo talaga. Idol ko kayooooooooo~!
  6. matabangutak posted this
To Tumblr, Love Pixel Union