Palagi kong na eenjoy ang pagsusulat. Lalo na kapag malungkot ako. Sa bawat tipa ng keyboard. Yung nararamdaman ko eh nagiging letra. Bumubuo ng mga salita na pwedeng kapulutan ng aral ng iba. Minsan, sa sobrang kalungkutan. May mga lumalabas na salitang hindi angkop sa mga batang nagbabasa. Pero hindi naman ito tulad ng sa telebisyon na kailangan pa ng patnubay ng magulang. Sapat na para sakin na maging bukas lang at isip niya at alam niya ang Blogging Platform na pinasok niya.
Medyo marami na rin akong naranasan sa buhay. Lalo na sa mga paghihirap ko nuon na masasabi kong nalagpasan ko. Sinusulat ko dito ang problema at solusyon. Pero bihira ako magsabi ng personal na buhay ko dito.
Ayaw kong dumating yung araw na kapag nakita ako ng tao eh sinasabi nila yung mga nakaraan na pangyayari sa buhay ko. Ayaw ko din dumating sa puntong hindi ko sila kilala pero alam nila ang buhay ko. Pero minsan naiisip ko na hindi maiiwasan dahil sa mga pangyayari na yun ako humuhugot ng mga istorya na isusulat. Mga solusyon sa problema na maaring makatulong sa iba.
Minsan, ang weirdo ko dahil natutuwa ako kapag may problema. Kumbaga na chachallenge ako paano malalagpasan yun. Minsan kaya ang sarap ng feeling na parang bothered ka tapos kapag nalagpasan mo yun eh ibang feeling talaga. As in masaya at magaan sa pakiramdam. At sigurado ako na kapag nasolusyunan ko ang problema na yun. For sure, mas better na tao ako kesa kahapon.
Ang gusto ko i point out is.. embrace all the challenge na dumadating sa buhay mo. Keep moving forward.. Wag kang titigil dahil nasaktan ka sa isang bagay. Hindi titigil ang buhay dyan. Yan ang isa sa stepping stone ng mas mabuting buhay. Ayaw mo nun? Kapag may humingi ng payo sayo tapos nagkataon na ayun yung problemang nalagpasan mo. Pwede mong payuhan yung tao na yun na ayun ang gawin niya. Pwede mo siya bigyan ng option at masamahan siya sa daan na tatahakin niya. Tulad ng nangyayari sakin ngayon. May tiwala ang tao sakin kaya kadalasan ang laman ng Tumblr Ask ko eh puro paghingi ng payo.
Pero hindi ko lahat nasasagot. Ayaw ko din naman kasing mag marunong sa isang bagay na hindi ko pa nararanasan. Minsan, I feel sorry for them kasi hindi ko nasasagot ang problema nila. Kaya minsan I create blogs na medyo related sa mga problema nila. Dun ako humuhugot ng topics sa iba kong sinusulat.. sa mga problema ng tao na madalas sinasabi sakin. At madalas naman eh maganda ang feedback.
Kahit naman kasi anong isulat natin dito eh sa huli sila pa rin ang mag dedesisyon. Ang mga sinusulat nating payo dito eh isa lang sa napakaraming option na pwedeng gawin sa isang problema.
Kaya dapat andito tayo para mag enjoy. Kung passion mo ang pagsusulat. Mag sulat ka lang ng magsulat. Huwag mo isipin kung kailan dadami ang magbabasa ng isusulat mo. Believe me.. pare parehas lang tayong nagsimula sa wala. Magtiwala ka lang sa sarili mo.. Darating ang araw na mahahanap ng tao ang potensyal mo. Huwag ka mainip. Tandaan mo na hindi lang ikaw ang may problema. Hahanap at hahanap ang tao ng solusyon. Kaya wag kang susuko. Dahil malay mo, ang isa sa mga sinulat mo ang makakapagpabago sa takbo ng buhay ng isang tao.
Tandaan mo.. masarap sa pakiramdam. Kapag isang araw, may mensahe kang matatanggap at nagpapasalamat na natulungan mo sila ma overcome ang problema nila.