Sa tagal ko ng hindi nakakaranas ng tunay na pagmamahal. Nakalimutan ko na yung proseso. Yung proseso para makuha ang tiwala at puso ng isang tao. Yung kailangan mo munang ipakilala kung sino ka talaga bago ka pumasok sa isang relasyon. Nasanay ako sa mga nakikita ko sa paligid ko na basta basta na lang papasok sa relasyon na wala man lang mga kundisyon.
Pati panliligaw. Hindi ko na alam gawin. Kasi nga, andito lagi sakin yung paniniwalang “Sasanayin ang sarili sa landi tapos mag dedecide na lang kayo ng kalandian mong kayo na lang”. Parang ganun. Minsan naiinis ako sa sarili ko na bakit ganun ang naging mindset ko.
Naisip ko na mas masarap nga pala yung nag eeffort para makita mo yung ngiti nung gusto mong makasama sa relasyon. Yun bang mapatunayan mo sa kanya na kaya mong gawin yun para lang sa kanya. Ipakitang totoo ka sa kanya at hindi ka lang puro salita. Sa paraan kasi na yun, makukuha mo tiwala niya at malalaman niyang nilalaan mo talaga ang oras mo sa kanya.
Akala ko ganun lang kadali pumasok sa relasyon. Akala ko, kapag gusto ka at gusto mo siya. Pwede maging kayo agad. Kailangan pa rin pala yung proseso. Yung proseso na may getting to know each other stage, tapos may ligaw stage, ipapakilala sa magulang stage at marami pang iba.
Ayan eh kung gusto mo ng seryosong relasyon. Yung kapag yung taong yun eh gusto mo makasama ng pang matagalan. Yun bang pang matagalan na sobrang tibay ng foundation niyo kasi kilala na kayo ng family ng bawat isa. Ayun na nga siguro ang pinaka mature at pinaka magandang gagawin ng isang tao kapag gusto ng seryosong relasyon.
Source: matabangutak







