Feel ko basta mag-aral ka lang ng mabuti. Wala ka dapat ikakaba sa College. Kinakabahan ka kasi alam mong may mali ka. Alam mong may mali sayo. Akala mo palagi hindi mo kaya. Pero once na nag focus ka lang. Makakaya mo pala.
Gawin ko ng example ang sarili ko. Dati akala ko hindi ko makakaya yung dalawang sabay na thesis. Kung medyo matagal na kitang friend or naabutan mo yung time na puro ako drama ng Thesis sa Groupmates ko kasi bihira sila tumulong sakin. So yung akala kong hindi ko kaya. Kaya ko pala. Ayun, 1.5 Grade ko sa parehong Thesis. At masaya ako kasi alam kong pinaghirapan ko yun.
Kaya ayun guys.. Once pala na tinutok mo ang sarili mo at nag umpisa kang mag sakripisyo ng maliliit na bagay. Makukuha mo ang gusto mo. Yung hindi ka kakabahan. Yung kukunin mo ang class card mo na excited ka kasi alam mong ginawa mo best mo.
Sa mga freshmen. Aral mabuti ha? Medyo mahaba haba yang lakbay na yan. Pero ang maganda dun, mabilis lang naman ang panahon. Hindi mo mapapansin yan. Enjoyin mo lang
Most of the time.. sa isang relasyon.. Kaya palaging may isang nasasaktan. Patuloy kasing may nagiging makasarili sa nararamdaman niya. Kesa gusto niya ng ganito.. gusto niya ng ganun na hindi na naiisip na may nararamdaman at kapasidad din yung isa.
Madalas naghahanap tayo ng taong iintindi satin. Pero madalas nakakalimutan natin na kailangan din natin sila intindihin. Na tulad mo may nararamdaman din sila. Na tulad mo, may gusto din sila.
Minsan ginagawa nila best nila. Pero dahil inieexpect mo nga yung mga gusto mo. Hindi mo na appreciate yung mga bagay na best para sa kanila. Hindi nagbibiro ang isang tao kapag binibigay niya sayo ang oras niya. Kapag andyan sya tuwing pag gising mo hanggang sa pagpupuyat mo. Sa mga simpleng bagay na yun malaki ang posibilidad na gusto ka niya kausap at mahalaga ka sa kanya.
Palaging tandaan na once na marami tayong inexpect sa isang tao. Kahit kailan hindi tayo magiging masaya at magiging kuntento.
Source: matabangutak

Kasalakuyan kong napanuod eh
Pride and Prejudice
A Lot Like Love
Hansel and Gretel.
Fast 6
Epic

Wag mo din kausapin. Kahit na friendzone mo siya. Wala siyang karapatan mag inarte ng ganun. Anu yun? Lahat ng kabutihan na ginagawa niya sayo sa huli sisingilin ka at required kang mahalin siya? That’s a no no.

Nope. Makapal lang mukha ko.

Mas masakit ma friendzone kesa ma break ng bf/gf no!! Haha! Yung bf/gf napagbigyan lang na hindi napaglaban eh. Yung friendzone. Handa mong ipaglaban pero hindi ka pa rin pinagbigyan. haha!
About
Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo.
Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."
Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.
Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.
Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.


Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.
Iba ang payo ko kay Papa Jack


