Bakit puro WeChat? Gusto kitang solohin. Pwede bang USChat na lang? :”>
Source: matabangutak


Kapag nasaktan ka na ng maraming beses.
Ayan, dito mo naman makikita yung mga taong na friendzoned. Sa sobrang bait mo sa kanila, ayaw ka nila i take as risk para sa relasyon. Minsan kaya naman talaga nila makipag relasyon sayo eh. Kaso nga ayaw nila mawalan ng isang mabuting tao sa kanila if ever hindi naging maganda ang takbo ng relasyon. Minsan kasi akala natin kaya natin eh. Pero sa huli maglalabasan ang mga ugali na hindi naipakita dahil nga magkaibigan lang naman kayo. Napaka ironic na ganun minsan ang nangyayari no? Tipong all you want is the best for them still sa huli hindi mo nakukuha yung bagay na gusto mo if ever na ma fall ka dun sa tao na yun.
Minsan naiisip ko, kaya siguro madalas nasasaktan yung mga tao kasi patuloy silang nag tatake risk sa taong hindi naman ganung ka OK. Kasi dun sila nag sesettle sa taong hindi naman masama pero medyo bad boy. Yun bang mga taong worth the risk. Tipong mawala man, edi ok lang. Pero kung mapatino nila edi mas ok.
At yung mga mababait, ayun. Patuloy na nagbibigay lang ng payo. Patuloy na nasa likod lang at naka masid sa taong mahal niya at pinapangarap niya na nasasaktan lang kasama yung taong “Worth the risk”.
Dahil nga ba “We accept the love we think we deserve?” o gusto mo lang i explore ang iba’t-ibang tao kung ano mai ooffer nila sayo? Sino nga rin naman tayo para husgahan yung mga medyo bad boy diba? Basta ang alam natin masama sila kasi sinasaktan nila at hindi binibigyan ng importansya ang taong pinapahalagahan mo.
Source: matabangutak
Madalas nating matanong to sa sarili natin kapag masyado nating binigyan ng oras ang ating mga sarili. Yun bang sarili mo lang ang mahal mo at hindi ka na a- attach sa kahit na sinong tao. Yun bang pantay pantay tingin mo sa kanila. Buhay pag-ibig na walang spark. Isang coloring book na walang kulay. Isang mundong tahimik pero masaya.
Masaya dahil wala kang inaalala. Tanggap mo sa sarili mong wala. Wala kang ini expect. Alam mo kasing mag-isa ka lang. Ganun mo kamahal ang sarili mo.
Minsan, may dumadating na tao. Pero good for 1 week or 3 days lang. Yun bang usap na akala mo ayun na pero wala pala talaga. Tipong sweet kayo ngayon pero bukas wala na. Yun pala bored lang sila. Sa huli ikaw tong willing na magmahal eh ikaw pa nagawang instrumento sa panandaliang kasiyahan nila.
Gaano nga ba ulit kasaya magmahal ng ibang tao? Andun ba yung mga bagay na hindi nabibili ng pera? Kasi madalas, kapag mahal mo ng sobra ang sarili mo. Pilit mong binibili ang mga bagay na nagpapasaya sayo. Pero after nun wala na ulit, malungkot ka na ulit.
Gaano nga ba ulit kasaya magmahal ng ibang tao? Andun ba yung walang hanggang saya at kilig kaya ang mga tao eh patuloy na hinahanap ito?
Feel ko, It’s all in the mind. Once na nasa relasyon ka na, minsan hihilingin mo na sana single ka na lang dahil nasasakal ka at miss mo na ang buhay mo nung single ka pa lang. At kapag single ka naman, gusto mong magkarelasyon dahil gusto mong may nag aalaga sayo dahil akala mo kailangan mo talaga ito pero hindi naman. Pero syempre, in the end of the day. Iba pa rin yung may partner ka. Yung meron kang masasabi mong “sayo”.
Sarap kaya kapag may taong binibigyan ka ng importansya at pinaparamdam niya sayo kung gaano ka kahalaga.
Source: matabangutak
Ang hirap mag open in a new tab sa Tumblr. Kapag balak mo mag TA Back sa kanilang lahat eh magugulat ka nalang sa dami ng background music. Tapos hindi mo alam kung kanino yung nag play dahil minsan nakatago pa yung player nila. So madalas nawawala na sa isip mong replyan message nila dahil nakalimutan mo na kakahanap paano i pause/stop BGM nila. Haha!

Wala eh :) talagang sarili ko lang mahal ko ngayon eh.
Makita mong nasasaktan yung taong gusto mo dahil hindi siya inaalagaang mabuti ng kasama niya ngayon? Worst feeling. Tipong wala kang magawa kundi bigyan na lang siya ng payo na “Ngiti ka lang, kaya mo yan ”
Source: matabangutak
Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo.
Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."
Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.
Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.
Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

