Ganun ata talaga buhay sa Internet. Nakakalokong yung mga taong sobrang ka close mo dati eh parang wala na lang ngayon. Para bang dadaan sila sa buhay mo na akala mo hindi na sila mawawala. Yun bang wala naman kayong isyu pero parang kandila na naubusan na ng Wax at bigla bigla na lang nawawalan ng apoy ang pagsasama niyo. Wala namang nagbago. Alam mo naman sa sarili mong walang nagbago.

Ganun ata talaga kapag may mga bago tayo/silang nakikilala. Kumbaga, tapos na yung phase mo sa buhay niya. Totoo nga palang people come and go. Kahit naman hindi sa Internet pala. Kahit sa tunay na buhay eh nangyayari din ang mga ganito. Pero mas madalas mong mararanasan yun sa Internet.

Syempre, karamihan naman ng makikilala mo dito eh hindi mo makikita. May mga magiging kaibigan ka na taga ibang bansa. Meron din namang nasa Pilipinas lang din pero hindi naman kayo makapagkita dahil isla ang layo niyo sa isa’t-isa. Minsan nga, may mga taong nakikita mo sa personal sa huli wala pa rin eh.

Bakit nga kaya ganun? Minsan… maiisip mo na ganun ka ba kadali kalimutan? Yung pinagsamahan niyo ba dati eh ganun lang kadali mawala? Yun bang lahat ng masasayang alaala eh naglaho na lang na parang bula.

Source: matabangutak

The very best of Yahoo Answers.

Source: dasvidaniyabitches

Source: fuckyeahyoga

Would you rather be a worried genius or a joyful simpleton?

Joyful Simpleton :) I don’t need all the knowledge in the world. 

Di ko ma gegets yung mga taong hindi tanggap yung nakaraan mo. Unang una, wala pa naman sila sa buhay mo nun eh. Pangalawa, may sariling buhay ka rin na pinoproblema nung mga araw na wala pa siya. Pangatlo, mahalaga pa ba yung mga nangyari noon? Eh ang mahalaga eh yung ngayon? Kumbaga, naka move on na yung taong yun sa past niya eh. Yung mga pagkakamali niyang ginawa nuon eh posibleng maitama na niya ngayon. Kaya never judge him/her dahil sa mga nangyari sa past niya. Lahat ng tao nagbabago dahil sa mga pangyayari sa buhay niya. Hindi naman yan nabubuhay para i please ka at diktahan siya ano gusto mong mangyari sa buhay niya.

Source: matabangutak

Hahahaha! Parang GRADE ko lang yung ginagawa ng San Antonio Spurs! Puro TRES! Haha!

Ito ang pinaka magandang araw na nangyari sa Pilipinas. Ang makamit ang ating kalayaan. Maaring hindi ganun ka asenso ang Pilipinas. Pero ang mahalaga dito eh nasa atin yung kalayaan. Kaya di ko gets yung sasabihing sana nagpasakop na lang tayo sa Amerika. Huwag kang mangmang at ipagsawalang bahala ang sakripisyo na ginawa ng ating mga Bayani sa ating Bayan. Happy Independence Day Guys :)

Source: matabangutak

Rhadzkyle of Chicsest.

Rhadzkyle of Chicsest.

Hindi ka excited sa pasukan dahil panget ang schedule mo.

Source: matabangutak

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack