Depression, why are you being so nice to me?

Feel ko eh maging proud ka. Na sa likod ng mga sinasabi ng mga Netizens at Pelikula eh ginagawa ng Mom/Dad mo yung nararapat. Kasi hindi natin maiiwasan yun. Mostly ang napapansin ng tao eh yung negative side. At may mga past issues din. So wala tayong magagawa kundi tanggapin. At maging proud na isang mabuting model ang parents mo ng mga pulis :)
Facebook People.
Nakita ko lang to sa facebook. At nagulat ako. Nakita ko si Idol (matabangutak). Pinost yan sa isang groups sa PUP. Oo taga PUP ako. Pero hindi naman tama na iprint screen nung isa dun yung post ni matabangutak dito sa tumblr. Di ba nga, what’s on tumblr, stays on tumblr?
Tama naman si matabang utak. Nanghahagis ng upuan yung ibang PUPian. Pero hello? Look at the others schools. Di ba. Yung sa ateneo natawa ako. Natawa kasi alam kong yung point nung post is to bring humor out of reality. Bakit ganun kasi yung comment nila. Kung makapanghusga kay matabangutak. Halur? Famous to.
Isa lang masasabi ko, kung sino man yung follower ni matabangutak na yun. Nakow. Ayos ka lang? Ang babaw mo. Hindi mo alam yung difference ng joke sa hindi. Dinala mo pa sa facebook. Tsk tsk.
Yeah, I agree. Kaya ko nasabing tinapon na upuan eh ginawang barko. Kasi nakita ko sa News na nagtatapon ng Upuan yung ibang aktibista dun at nagsusunog pa. So, yung post ko na yun eh parang joke lang. Naiiintindihan ko na yung gustong iparating ni Vice Ganda about sa Joke niya na naging Viral at pinatulan ng pinatulan.
Siguro mas gusto nung taong to ang mapansin or may mapagusapan.
Isang patunay na hindi mo mapipigilan ang pagbabago. Kunwari, ayaw mo ng #Hashtag sa Facebook. Pero dahil gusto ng Facebook magbago. Wala kang magagawa dito kundi to deal with it. Parang sa tao, ang tao madalas hindi niya alam na nagbabago siya. Madalas, tayo ang nakakakita ng pagbabago dahil nawawala na yung taong nagustuhan natin noon. Hinahanap natin yung tao na yon. Kumbaga, dati masaya kayo palagi. Tapos nagkakaroon na kayo ng tampuhan na sa tingin ko ay normal naman kung may mutual feelings kayong dalawa. Kung sa pagiging magkaibigan naman. Napapansin mo yung pagbabago kapag feeling mo nagiging makasarili na sila. Yun bang nawala yung kaibigan mo dahil may bago na siyang mga nakilala. Feeling ko, ganun naman lahat pag dating sa pakikipagkaibigan. Minsan ikaw ganun ka rin sa iba, di mo lang napapansin kasi ikaw ang gumagawa.
Source: matabangutak

Nahirapan kasi ako mag byahe sa school na yun. Imagine.. Marikina pa ko. Sakay ako LRT Santolan to Recto. Tapos tatawid sa mahabang Bridge. Tapos pila ulit tapos TAFT naman. Haaay :((((
About
Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo.
Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."
Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.
Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.
Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.


Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.
Iba ang payo ko kay Papa Jack


