Saktong sakto sa Rizal Monument <3 <3 <3

Saktong sakto sa Rizal Monument <3 <3 <3

Pinakamasakit palang malaman na ang pinaniniwalaan mong katotohanan eh isa lang palang malaking kalokohan.

Hirap ng ganun no? Yung ginawa kang tanga! Yung pinaniwala ka niya sa lahat ng sinasabi niya na wala dapat problemahin pero lahat pala ng sinisikreto niya eh proproblemahin mo pala. Alam mo yun.. Yun bang ang nais mo lang eh yung mapabuti siya pero hindi niya mapigilan ang sarili niya sa pag gawa ng kasalanan sayo.

Sabagay.. Kung hindi ba naman masama ang ginagawa niya, isisikreto pa ba niya? Patuloy ba siyang magsisinungaling sayo mairaos lang ang masamang gusto niya?

Minsan, binigay mo na ang lahat pero wala pa rin. Bakit? Kasi, sa bawat gawin nating kabutihan sa kanya. Mag aassume tayong ma appreciate niya yun eh. Pero kung wala talaga siyang pakialam sayo, kahit na ano gawin mo. Patuloy at patuloy pa rin niyang gagawin ang mga bagay na ikakasakit ng damdamin mo.

Kaya mas maganda pa siguro, lumayo na lang kapag ganun na lang ang sistema palagi. Kesa sa paulit ulit kang gawing tanga dahil sa pinaniniwala kang wala ka dapat problemahin at intindihin. Sasabihing may mga bagay na siyang tinigil at hindi na niya gagawin eh patuloy pa rin ang pag gawa. Kaso yun nga, sa pasikretong paraan.

Para patuloy kayong ok, patuloy ka niyang mapaniwala na matino kayong dalawa. Pero hindi mo alam.. tinatarantado ka na pala.

Source: matabangutak

Hirap maging gwapo. Nakakainis. Itutulog ko na nga lang. At panibagong pagsubok ng pagiging gwapo ang aking haharapin.

Nakaka OP sa Dash ha? Puro kayo TSAMU.

May mga pagkakataon sa buhay pala nating may magugustuhan ka. Pero syempre, hindi ka sigurado sa nararamdaman mo kung gusto mo talaga. Dun tayo madalas naapektuhan. Kapag padalos dalos ka sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo. Para bang nagiging desperado ka at hindi ka natututong maghintay. Gusto mo kasi, mapasayo agad yung taong gusto mo na nakakalimutan mo na kailangan mo nga pala munang kilalanin yung taong yun.

Madalas, naaatat tayo sa mga bagay bagay. Sa takot mong mapunta siya sa iba. Gusto mo sayo na lang siya. Pero wala ka namang magawa kundi humanga lang ng husto sa kanya. Madalas, nasasabi mong crush/love at first sight.

Pero nakakatuwang, napakarami mo pa nga talagang hindi nakikilala. Dati, wala naman siya sa buhay mo eh. Pero nung nakita mo siya? Para bang nagkaroon ka ng pag-asang sumaya ulit ng husto. May onting kilig ka ulit sa sarili mo na hindi mo maitatago ang ngiti mo sa iba.

Source: matabangutak

Minsan, binibigyan tayo ng matinding pagsubok sa buhay.

Haaaaaay <3 I aassume kong bagay na bagay kami. Kasi bagay na bagay. May Spark ihhhh!! Hahahaha!

TSAMU 2013
Tumblr Summer Amazing Meetup 2013
Chinese Garden, Rizal Park Manila

TSAMU 2013

Tumblr Summer Amazing Meetup 2013

Chinese Garden, Rizal Park Manila

Source: matabangutak

Isang magandang halimbawa na yung mga relasyong nabuo sa Tumblr/Social Networking Sites dati. Na akala mo talaga sa una hindi na sila maghihiwalay, pero pag tagal. Parang walang nangyari. Single sila pareho o kaya naman naging magkaibigan at may bago naman sila ngayon. Minsan, nagiging mag strangers na lang talaga. Para bang isang magandang libro na nasunog na lang at ang tanging naiwan na lang eh yung aral at alaala.

Kung i apply sa sarili eh ganun talaga ang pag-ibig. Akala mo lagi ayan na. Akala mo lagi siya na. Dahil naibigay ang gusto mo eh. Efforts? Love? Attention? Pero ang madalas na tanong dito eh, hanggang kailan niya kayang ibigay? Gaano siya ka consistent ibigay sayo yung mga bagay na yun? Kaya madalas, ung expectations ng bawat isa eh hindi naaabot. Madalas magkasawaan dahil nga nagawa na sayo yung gusto mong maranasan noon. Kumbaga, na miss mo lang eh. Gusto mo lang ulit maranasan. So nung naranasan mo, parang nanlamig na ang lahat. 

Parang sa gadget, nung wala ka pa. Gustong gusto mong magkaroon. Pero nung nagkaroon ka na. Pinapabayaan mo na lang.

Source: matabangutak

Source: ruineshumaines

About

Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo. Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."

Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.

Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.

Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

Proudly Pinoy!

Humor - Top Blogs Philippines
Free counters!

Google Analytics Alternative
Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.



a Rafflecopter giveaway


Iba ang payo ko kay Papa Jack