Mag post ka ng isang babae dito sa Tumblr na medyo may itsura. Kinabukasan nilalandi na ng iba. Ganyan kayo eh. Mga tirador.
Mga anak ni Tatay Rhads. >:)
Waht tatay. Gandang lahi ng mga anak ehhhh! =))
Bwisit kayong lahat. Hahaha!
- May napagusapan kami ni Christian Theodore Seballos.
- Ako: Hindi tayo kilala nung babae na yun?
- Gyno: Oo nga eh, nilike ko picture niya sa instagram pero walang comment.
- Ako: Ano kaya ang buhay Internet niya na wala tayo sa Timeline niya? Ang boring ng buhay niya.
- Gyno: Nag Filipino Pose nga siya, nag reply ako ng Nice Pose ang sabi niya sakin "What pose po kuya?"
- Ako: Ang boring talaga. Anung Internet Life meron yung babae na yan. Maganda pa naman. Hahahaha!

Nagka GF ako 1st Year Highschool. Bale 1 Year 8 months kami nun.
And yung last ko, taga Tumblr. 1 Month lang kami.
Mas masaya dati. Kasi hindi mo pa alam masyado ang pasikot sikot sa love kaya go lang ng go eh.
Ngayon? Wala. Puro pantasya na lang ang namumuo. Medyo mahirap. Kasi ngayon, alam mong niloloko ka na. Alam mo na ang tama at mali na ginagawa niya. Mahirap na magmahal. Kasi marunong ka na kung paano mo i didistribute yung tiwala mo sa mga tao. Nakakamiss magmahal ng wala kang inaalalang karibal o kalandian. Nakakamiss yung mga araw na Loyal pa ang mga tao. Ewan ko ba, ano nangyari.

Shet. MAHAL NA MAHAL KO KAYONG MGA KAIBIGAN KO :(((((((((((((((( Hahahahahaha!
Kaya pala di kinaya ng OKC ang Miami Heat. Kasi malakas AngHEAT. Di kinaya ng deoDURANT.
Source: matabangutak
About
Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo.
Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."
Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.
Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.
Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.


Gusto mo bang maramdaman ang pagbabasa? May nababagay para diyan.
Iba ang payo ko kay Papa Jack


