Yung kapag mag pipicture ka. Madalas kang mag stomach in para kunwari sexy ka.

Source: matabangutak

Minsan gusto mong lumayo. Pero kapag naiisip mo na wala namang hahabol sayo napapaisip ka na “Why bother lumayo kung pwede ka namang mag stay dahil parehas lang naman eh.” Lumayo ka man o hindi. Hindi ka rin naman mapapansin.
Tapos ang dyahe pa dun eh sinabi mong
Ikaw: Pilit kong lumayo sayo. Dumistansya ako sayo.
Siya: Oh? Lumayo ka pala. Sorry hindi ko napansin.
Yun bang wala siyang pakialam sayo pero ikaw iniisip mo na sa mga gagawin mo eh mapapansin niya yung ginagawa mo. Pero ang katotohanan eh never niya naibaling sayo ang atensyon niya. Tipong kahit yung “Minsan” eh hindi niya naibigay sayo.
Source: matabangutak
Eto ang hindi ko maintindihan talaga. Yung dadating sa point na papapiliin ka kung DOTA o Siya. Eh una sa lahat laro lang ang DOTA. At ito daw ang nagiging karibal ng babae sa kasintahan niya. May mga martyr na babae na sinasabing
“Ok na yan.. Kesa mambabae, edi ok na yang DOTA lang ang kinakalikot niyan.”
Pero minsan sila mismo ang nahuhuli ng sarili nilang patibong. Tipong hinahayaan nilang maglaro ng maglaro ang mga boyfriend nila ng DOTA dahil sa takot nilang iwan sila nito. At naka mindset sa kanila na
“Kapag mahal mo, maiintindihan mo. Kapag mahal mo matatanggap mo”
Pero minsan napapasobra din ang ibang lalake. Minsan alam kasi nilang pinagbibigyan mo sila kaya patuloy nilang gagawin. Akala nila ok lang lagi kaya palagi silang naglalaro. Minsan ikaw din mismo ang nagkukulang. Nadadaan naman sa usap ang lahat eh. Hindi yung ipaparamdam mo lang na nagtatampo ka or nagagalit ka.
Kailangan mo siyang kausapin na hindi ka pumasok sa relasyon para panuorin siyang naglalaro at pilit intindihin na laro lang yun at hindi ito makaka apekto sa relasyon niyo. Sabihin mo na hindi ka Computer Program na pwede niyang i “Alt + Tab” at hindi na niya mapapansin dahil naglalaro na siya.
Ako, DOTA Player din ako. Naranasan ko na din magkaroon ng Girlfriend at nasabi kong medyo naging matino din ako. Dahil nagkaroon ako ng GF at tinigil ko ang paglalaro ng DOTA. Kung maglalaro man ako. Sinasabi ko na maglalaro ako ng dalawang oras or tatlong oras tapos nun Quality Time na ulit.
Brad, lahat ng sobra nakakasama. Hindi mo alam na sa bawat first blood na nagagawa mo sa larong yan eh may puso ka ring nasasaktan. Na sa bawat panalo mo ng larong DOTA eh sa kabilang banda eh onti onti ka na lang natatalo sa Puso ng partner mo.
Kung single ka, ok lang maglaro niyan eh. Ayun yung perks ng pagiging single eh. UNLI DOTA. Pero kung taken ka? Time Management ang kailangan. Matutong magpaalam. Pumasok ka sa relasyon dahil gusto mong magmahal at gusto mo ng may inaalagaan at pinoprotekhan.
Hindi yung nag Girlfriend ka nga. Tower ang dinidepensahan mo at hindi ang GF mo.
Source: matabangutak
I hate the idea rin na wala na kayong dalawa pero parang pag mamay ari ka pa rin niya. Yun bang nag break na kayo pero patuloy ka pa ring pinapakealamanan sa buhay mo. Tipong nag uusap pa rin kayo na parang walang nangyari. Tipong wala na nga kayong dalawa eh pinagbabawalan ka pa rin niya.
Madalas tong mangyari sa babae eh. Yung mga ex nilang lalake na patuloy silang pinagbabawalan eh wala na naman sila. Yung mapapa WTF ka na lang kasi hindi mo gets yung tao bakit ganun. Tapos eto naman si babae na medyo na prepressure dahil hindi niya alam kung susunod ba siya o hindi. Na ang tanging sagot lang naman dun eh gawin niya ang gusto niya dahil wala na dapat siyang pakialam sa sasabihin ng EX niya.
Dapat malaman nung lalake yung consequence kapag iniwan niya yung taong mahal niya. Tipong lahat nung bagay na sinakripisyo nung babae dati eh ibabalik niya dahil wala na sila. Kaya boys.. Kung ayaw mong mapunta sa iba. Maging matino at ingatan ang mga bagay kung anong meron ka ok? Hindi yung alam mong may nagmamahal sayo. Tapos pa simple ka pang kumukurot sa iba. Masyado kang swerte. Hindi araw-araw birthday ha?
Source: matabangutak
I hate the idea na kahit hindi na kayo eh parang may koneksyon pa rin kayo sa isa’t-isa kahit wala na kayo. Tipong hindi ka makapagsimula ng bago kasi inaalala mo pa rin ang mararamdaman niya. Alam mo yung mag aassume ka na kapag ba may bago na kong mahal eh masasaktan ko siya? Yung kapag nagmahal ba ko ng bagong tao eh maapektuhan siya?
Alam mo yun.. Yung wala ng label pero still na nag ke care ka sa taong yun? Tapos hindi mo magawang magmahal ng ibang tao kasi umaasa ka na
“Baka bumalik yung taong yun?”
“Paano kung mahal niya pa ko? “
“Paano kung hinihintay niya lang ako umaksyon?”
“Paano kung naghihintayan lang pala kaming dalawa?”
“Paano kung ilusyon ko lang pala ang lahat ng ito?”
Kaya ang daming naapektuhan at nalulungkot. Tatlo ang apektado eh. Ayun ang hirap kapag hindi ikaw ang first love ng tao. Napakaraming past. Tipong pati yung taong gusto mo eh nalilito kung ano ang gusto niya. Lalo na kapag sobrang mahal niya yung past niya at natutunan na lang tanggapin na wala na lang yung past niya. Pero paano kung sarili lang pala niya ang niloloko niya at akala niyang masaya na siya at tanggap na niya? Paano kung ikaw yung malas na taong napagbalingan niya ng atensyon? Paano kung bumalik yung nakaraan niya? Ano ang gagawin mo? Ang sakit diba?
Kaya ang hirap ng ganun eh. Yung kahit sobrang panahon na silang wala. Once na bumalik yung nakaraan eh napakalaki ng edge kahit na sinaktan siya nito ng maraming beses. Wala ka namang magagawa. Mahal mo siya. Mahal niya siya.
Source: matabangutak
Wag masyado ma paranoid. Hindi niyo ma eenjoy ang relasyon kapag nagsasakalan lang kayong dalawa. Kailangan niyo rin ng ibang tao sa buhay niyo. Hindi naman porket kayo eh “kayo lang literal”. May mga normal na kaibigan din yan. Bago ka dumating sa buhay niyan may mga kaibigan na yan at ibang tao sa buhay niya. Huwag mong isipin na porket may kausap lang na iba eh nilalandi na siya agad or may threat na agad na aagawin siya sayo. Ok lang maging protective. Pero nilulugar yan. Minsan kasi, kapag sobrang protective at puro selos ang pinairal nakaka pressure lang yun sa taong nasa relasyon eh. Tapos sa huli magbabati lang din kayo. Hindi naman kailangan lagi mag-away para matuto eh. Minsan kailangan mature ka lang at open ka mag-isip. Huwag mo ipagdamot yung taong mahal mo. Kung mahal ka niyan, hindi yan mawawala sayo. Maniwala ka.
Source: matabangutak

Tell him na hindi lahat ng oras eh dapat andyan siya. Sabihin mong may sarili kang buhay at kaya mong diskartehan ang sarili mo. Tell him na Gets mo yung point niya na ayaw ka niyang mawala sa buhay niya or pinag dadamot ka niya pero para na rin niya kasi sinasabing wala siyang tiwala sayo.
Tell him na, ayaw mo dumating yung araw na maglilihim ka na sa kanya dahil alam mong mangengealam na naman siya. Live normal kamo. Wag masyado ma paranoid. Hindi niyo ma eenjoy ang relasyon kapag nagsasakalan lang kayong dalawa. Kailangan niyo rin ng ibang tao sa buhay niyo.
Hindi man ako sing lupit bumanat tulad ni Bob Ong , hindi ko man kayang magpatawa at magpayo tulad nang ginagawa ni Papa Jack, hayaan mo naman akong mapabilib sa mga artikulong sinusulat ko, ang aking pahina ay puno ng pagmamahalan, mga artikulo na nagmumula at hinuhugot ko pa mula sa aking puso. Sana ay magustuhan mo.
Ano ang maipagmamalaki ko na wala sila?
"Ako pwede mong kausapin kahit kailan mo gusto, sila hindi."
Siya nga pala kaibigan, hiling mo ba ay parang isang librong mababasa? Tama ka ng lugar na pinuntahan, kung masipag kang magbasa, maari mong buklatin ang isang maliit na aklat na ginawa ko dito. Ito ay blog ng sanaysay ng mga pangyayari sa aking buhay, mga payo sa pag-ibig, at hinaing ng isang normal na kabataan tulad mo.
Sana ay maging masaya ka sa pagbisita mo dito. Maari mong i reblog ng bagay na makikita mo dito. Kahit na personal na buhay ko. Pasaway ka e.
Mag-isa ako ngayon sa buhay, piniling mapag-isa, salamat at nabisita ka sa aking munting mundo kaibigan.

