Now Playing Tracks

Pagkatapos daw umamin ni Hello Kitty na hindi talaga siya pusa. Si Jollibee umamin na rin daw na hindi siya bubuyog. Sino pa mga aamin? Na apat talaga ang member ng Three Stoogies? Hindi talaga daga si doding daga? Hindi saging si B1 at B2? Hindi talaga clown ang mascot ng Mcdonalds? Isang parol si Patrick Star at hindi star fish? Pero higit sa lahat, nag aminan na ang lahat. Hindi pa rin tapos ang Please Be Careful with my Heart.

(Source: matabangutak)

ms-jejemon:

Seriously ? Nung oras na litong lito ako halos utak at damdamin ko mag sabog na sa sobrang pagod sa sobrang sakit wala akong ibang naisip kung di si kuya rhadson known as MATABANGUTAK. Sya yung pumasok sa isip ko na kaylangan ko makausap yung libro nya kelangan namin mag one on one hart to hart talk at hindi papatalo ang brain to brain de pero seryoso una ko syang hinanap sa sobrang bigat at sakit ng nararamdaman ko, Kayalngan ko ng advice nya kelangan ko lahat makinig sa mga linalaman ng libro at oo unang buklat ko palang agad ako umupo sa brownies ! Sa sm calamba para buksan ang kabago bagong bili ng PAG IBIG THINGY. Sobra ako namangha at napatawa. Ika nga swerte padin tayo kahit iwan tayo ng taong mahal natin ! :)

First time kong mag basa nang ganito at first time kong seryosohin ung binabasa ko kaya nag papasalamat ako sayo kuya ! :))

Kuya rhadson ! Sana matulungan ako at sana masagot mo na yung message ko sayo :(( kay langa. Ko ng payo mo kung pwedi lang kita puntahan para makausap ng personal lilipad ako ! Mabatkan mo lang :(( hindi ako feeling close pero kuya ! :( ikaw lang talaga pumasok sa isip ko na makaktulong sa magulo kong isip at damdamin ! :(( thankyou ! Huhu

Ps. Unang page palang maganda na mensahe :)) keep it up kuya !

Kung sa tingin mo malaki ang problema mo. Lumabas ka ng bahay at pagmasdan mo ang kapaligiran. Lam mo ba na swerte ka pa na naipopost mo na “Badtrip ka”, “Lagi na lang may problema” kasi nakakapag internet ka? Naipopost mo mga rants mo sa buhay. Pagmasdan mo yung mga pulubi sa daan. Mga barker, mga nagtitinda ng yosi, isaw, kasoy at marami pang iba. Hindi ba’t mapapangiti ka dahil masasabi mong swerte ka pa? Kasi may time ka pa para mag post ng problema, may access ka sa teknolohiya at sila ay wala.

Sa totoo lang ganito ako palagi mag-isip kapag may problema ako. Lagi kong iniisip na may mga taong mas malaki pa ang problema sa akin pero patuloy na lumalaban at ngumingiti. Lalo na’t yung mga simpleng bagay lang. Kasi kung iisipin ko may mga taong gustong gumaling sa sakit na hindi alam ang lunas, taong lubog na lubog sa buhay, taong walang makain etc. Dun ako kumukuha ng lakas e, sa mga realizations na blessed pa rin tayo. Yes. Normal magkaroon ng problema at malaking problema kapag wala kang problema. Pero isipin mo kung dapat mo bang pagtuunan ng pansin at seryosohin ang problema na yun para magmukmok ka ng husto? Kung hindi? Ngiti ka lang. Faith lang at malalagpasan mo rin yan.

I want to tell you something. And I hope this is not awkward. But I just wanna let you know that I am your fan. Yes, I know, this isn’t new to you because you’ve got a lot of admirers. I just want you to know that I am one of them.

I am kind of hesitant of writing this letter because I ain’t sure if you will be able to read this. I am sure enough that you are busy enough to check out some stuff and yknow, read some. But there’s something in me that tells me to tell you how great you are as a person. As a guy. Okay, this is getting awkward and I am currently brainstorming with myself, yes I am weird, and I don’t know if I’d wanted to continue doing this, and the other half won. I am continuing this. Gah! I understand if you’ll stop reading at this point because this is getting nowhere. Sorry, I am just too shy and I am torn between writing and shutting down my laptop and hammering it hard. But yeah, I’m still writing. Sorry to this disturb you. So here it is.

The first time I saw your blog, it was an instant attachment. It was like a roller coaster ride. I can’t stop reading because I get too attached to the different emotions in everything that you wrote. I laughed, and get serious, and laughed again, and get serious again. I look like a kid giggling on your sweet pick up lines and a child bursting with your jokes. I spent half an hour in that ride and that’s when I realized, “I admire this guy.” It is not like the “like” like, if you know what I mean. It’s the “like” that a fan feel every time they see their idols on TV, or FB, or anywhere. Um. I became a social stalker, following your facebook and twitter accounts. I’m entertained with your posts that’s why. I’m glad there’s someone like you who knows how to lighten up everybody’s moods whatever the situation is. That’s talent, yknow! And you’re very lucky to have it.

When I heard that you wrote a book, I was like “I knew it!”, and I just wanna run into the bookstore and buy one. But it really saddened me because I don’t have any spare time go to the bookstore because of my schedules at work. Frustrating. But seeing you being very successful is really inspiring. And you deserve it. I wish I could have the time to go out and I swear to buy your book and the next one and then the future books you’ll write. Plus you’ve found the girl for you! I was so happy for you. All those blessings that came to you were the things that you’ve worked for for a long time. I know I haven’t known you for so long to say this, but I am quite sure that whatever that’s happening to you right now, you deserve it all. I hope that you’ll always stay happy. You are a very strong guy and i am sure you’ll be able to surpass everything that would come along your way. I hope you’ll stay as charming and as humble as you are. I will always be one of your biggest fans!

A fan’s letter to her idol (via angambisyosangpalaka)

Uhm ngayon lang pala ulit ako nakapag update dito sa Tumblr ko tungkol sa Lovelife ko. Dati lagi akong nag sheshare dito ng mga malulungkot na bagay dahil palagi akong bigo pero ngayon di ako makapaniwalang magkwekwento na ulit ako kung gaano ako kasaya dahil may taong nagmamahal sa akin.

Maaaring gasgas na ang salitang naiiba siya sa lahat. Siguro lahat naman tayo eh nasabi na iyon. Pero sa lahat ng taong minahal ko at dumating sa buhay ko. Masasabi kong si Klai ang naging totoo. Dati takot akong panindigan ang lahat ng pangako ko kaya hinayaan lang muna namin ang sarili namin sa iba. Pero ngayon na lumaki na kami at nag mature ang mga isip naisip naming pasayahin na ang sarili naming dalawa.

Yes, isa siyang INC at nakapag decide na rin ako magpa doktrina kapag 28 years old na ako, sa mga nagtatanong 23 years old palang ako.. Ayaw kong dumating yung araw na makikita kong masaya siya sa iba kaya hindi ko na siya pinakawalan at nag desisyon na angkinin na namin ang isa’t-isa. Sa una medyo takot kasi akala ko wala na siyang tiwala sa akin dahil kilala niya lahat ng taong dumating sa buhay ko. Kung gaano ako nasaktan at gaano ako binalewala ng mga babaeng minsan naging parte ng buhay ko.

Hindi ko alam ang eksaktong salita para ipaliwanag ang nararamdaman ko sa puso ko. Sobrang kakaiba ang saya at natutulog ako lagi na alam kong may nagmamahal sa akin ng tunay at tapat. Gigising ako sa umaga na alam kong may mangangamusta sa akin at mapagsasabihan kapag pagod na ako sa bawat araw. Sobrang laki ng naging impact sa akin ni Klai. Since 2011 sinabi ko sa sarili kong mahal ko na siya. Hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ko.

Akala ko dati may hahadlang talaga sa pagmamahalan namin. Mas napalapit lalo kami kay God dahil sa nangyari at nirespeto ang paniniwala ng isa’t-isa. Marami kaming tutuparin na pangarap once na nagsama na kaming dalawa. Masaya ako kasi masaya kaming dalawa sa relasyon namin.

Hindi actually mahirap ang LDR. Nagiging mahirap lang ito kapag sobrang namimiss mo siya. Pero as long na may communication kayo at naaalala lagi at binibigyan ng halaga ang isa’t-isa. Walang mahirap, walang malabo at higit sa lahat mararamdaman niyo ang giliw sa isa’t-isa kapag nagkikita kayo sa personal. Ako? Natuto akong mag-ipon para sa anniversary namin sa May 6 ay mapuntahan ko siya. Hindi pwedeng i cecelebrate yun na wala ako sa tabi niya, kailangan magkasama kami. Sobrang bitin lagi ng araw kapag nagkikita kami. Laging nakaw na sandali, tila panaginip na ayaw mo ng magising. Pero ano nakakatuwa sa panaginip na yun? Magising man ako, sigurado akong siya pa rin ang taong mamahalin ko. Mahal na mahal ko siya. Sobrang mahal.

I love you Klai. Salamat sa lahat.

Damn. Yung sa tourism na babaeng namatay sa aksidente. Naaawa ako sa boyfriend niya. Ramdam ko yung sakit ng boyfriend niya. Ito na siguro yung pinaka masakit na mangyayari sa isang tao. Ang mawalan ng mahal sa buhay. Kahit na di ko siya kilala ramdam ko yung pain, kahit naman sino siguro. Ito yung sinasabi ko dati pa na never take things for granted, iparamadam mo sa kanila kung gaano mo sila kamahal, kung gaano sila ka importante, araw-araw mong gawin espesyal ang araw nila. 

Condolence dun sa Guy.

butterklai:

Pinakamasasayang araw ng buhay ko ay ang mga araw na kasama kita, na hindi ko inakalang mangyayari. Pangarap ko lang noon ang magtravel kung saan, kasama ang mahal ko. At dahil sayo, natupad yun. Mahina ako sa relasyon natin, pero ikaw ang nagbibigay ng lakas para makaya.
Ang hirap mahiwalay sayo. Habang nakasakay ako sa eroplano, at nakatingin sa mga ulap, ikaw ang nasa isip ko. Inaalala yung masasayang sandali bago ako bumalik ng Hong Kong. Kung tutuusin ang lapit ko lang rin. Pero naisip ko, iba pa rin yung nasa Marikina ka lang at nasa Pampanga lang ako. Kahit kailan pwede tayong magkita.
Promise, kakayanin ko. Para matupad natin yung mga pangarap natin sa isa’t-isa. Para makapagtravel pa tayo sa maraming bansa. Siguro sa mga panahong yun, legal na legal na tayo, hindi na tayo parang mga bata na pinagbabawalan ng mga magulang. Matututo na tayong magplano para sa ating dalawa. Ayokong malungkot, pero hindi maiwasan. Miss na kita agad, gusto ko lagi kitang nakikita.
Mahal na mahal na mahal kita. At ayoko nang mabuhay na wala ka..   

Hindi ko sasayangin lahat ng paghihirap nating dalawa. Gagawin ko best ko para maging masaya ka lang palagi. Sobrang salamat kasi sobrang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Sorry sa mga nangyari dati. Lagi kong sinasabi sayo na hinding hindi na ako mawawala sayo. Mamahalin kita palagi. Akin ka lang. Sa’yo lang ako :)
Zoom Info

butterklai:

Pinakamasasayang araw ng buhay ko ay ang mga araw na kasama kita, na hindi ko inakalang mangyayari. Pangarap ko lang noon ang magtravel kung saan, kasama ang mahal ko. At dahil sayo, natupad yun. Mahina ako sa relasyon natin, pero ikaw ang nagbibigay ng lakas para makaya.

Ang hirap mahiwalay sayo. Habang nakasakay ako sa eroplano, at nakatingin sa mga ulap, ikaw ang nasa isip ko. Inaalala yung masasayang sandali bago ako bumalik ng Hong Kong. Kung tutuusin ang lapit ko lang rin. Pero naisip ko, iba pa rin yung nasa Marikina ka lang at nasa Pampanga lang ako. Kahit kailan pwede tayong magkita.

Promise, kakayanin ko. Para matupad natin yung mga pangarap natin sa isa’t-isa. Para makapagtravel pa tayo sa maraming bansa. Siguro sa mga panahong yun, legal na legal na tayo, hindi na tayo parang mga bata na pinagbabawalan ng mga magulang. Matututo na tayong magplano para sa ating dalawa. Ayokong malungkot, pero hindi maiwasan. Miss na kita agad, gusto ko lagi kitang nakikita.

Mahal na mahal na mahal kita. At ayoko nang mabuhay na wala ka..   

Hindi ko sasayangin lahat ng paghihirap nating dalawa. Gagawin ko best ko para maging masaya ka lang palagi. Sobrang salamat kasi sobrang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Sorry sa mga nangyari dati. Lagi kong sinasabi sayo na hinding hindi na ako mawawala sayo. Mamahalin kita palagi. Akin ka lang. Sa’yo lang ako :)

To Tumblr, Love Pixel Union